Stichting Laka

Publicatie Laka-bibliotheek:
Praymer ukol Sa: Lakas Nukleyar (1993)

AuteurNuclear Free Philippines Coalition
4-16-0-00-08.pdf
Datumjuni 1993
Classificatie 4.16.0.00/08 (FILIPPIJNEN)
Voorkant

Uit de publicatie:

PRAYMER UKOL SA. .LAKAS NUKLEYAR

Junllyn U. Natlvldad
Nuclear Free Philippines Coalition Resource Center

1. ANO ANG LAKAS NUKLEYAR?

 Ang lakas nukleyar ay nanggagaling sa sapilitang pagtitiwalag sa atom ng 
elementong uranium. Ang atom ang siyang "building blocks'' ng mga materyalna 
bagay. Bawat atom ay may taglay na lakas na siyang nagbibigkis sa mga bahagi 
nito, neutron, electron at proton.

 Ang atom ng uranium ay isa sa pinaiwnaselang atom sa kalikasan. I "apag ang 
nukleus nito ay ''binaril" sa pamamagitan ng isang neutron, nabubulabcg ito at 
tumitiwalag sa prosesong tinatawag na fission. Sa proseso ng fission, napapaluwal 
ang lakas na taglay ng atom at sumisingaw ang init.

 Ang plantang nukleyar ay tumatakln sa lakas na nanggagaling sa kontroladong 
fission ng uranium

 Ang lakas na dulot ng fission, sa porma ng init, ay ginagamit sa paglikha ng 
singaw (steam) na nagpapatakbo ng turbine-generator ng kuryente.